Inilabas na ng Simbahang ng Quiapo ang mga pwede at hindi dapat gawin sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.
Pangunahin na rito ang pagbabawal sa sumampa sa Andas at pagtutulakan upang walang masaktan.
Bawal din o huwag na magdala ng maraming gamit o malaking mga bags.
Kung magbibibit dapat ay transparent bag ito para mas madali ang inspeksyon.
Para sa mga may karamdaman naman at mga bata, pinapayuhang mag-abang na lamang sa gilid ng kalsada.
Bago magsimula ang Traslacion, pinapaaalala rin na huwag kalimutang kumain upang may sapat na lakas.
Maaari pa rin maghagis ng panyo upang maipunas sa Mahal na Poong Jesus Nazareno.
May pasanan pa rin ng pingga at paghila sa lubid, at ipinaalalang kailangan itong gawing maayos at may lubos na pag-iingat.
Ang mga paalala at paabiso na ito ng simbahang Quiapo ay dahil sa inaasahang mas maraming deboto na dadalo at makikibahagi sa traslacion sa susunod na linggo.