Quezon City, mahigpit na ipapatupad ang total firecrackers ban

Maghihigpit ang Quezon City LGU sa pagpapatupad ng total firecrackers ban sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Department of Public Order and Safety Head retired General Elmo San Diego, ipinagbabawal ang pagpapaputok sa mga pampublikong lugar.

Read More:  Two dead after motorcycle collides with carabao in Negros Occidental

Nilinaw ni San Diego na maari namang magpailaw doon lamang sa itatalaga nilang fireworks zone ng siyudad.

May koordinasyon na ang lokal na pamahalaan, Quezon City Police District (QCPD), at mga opisyal ng barangay na ipatupad ang ordinansa.

Read More:  Farmer killed, friend wounded in shooting in Sibonga, Cebu

May multang P5K at kulong na anim na buwan ang mahuhuli.

Una nang nagpatupad ng total fireworks ban ang lungsod ng Muntinlupa.