Quarantine, RT-PCR expenses ng mga OFWs, kailangang sagutin ng mga recruitment agencies

Iginiit ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kailangang sagutin ng mga recruitment agencies ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ang required quarantine protocol expenses.

Ito ay matapos na tanggalin na ng Taiwanese government ang ban sa pagpasok ng mga migrant workers.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Ayon kay Bello, magpapalabas ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng mga panuntunan para sa deployment ng mga OFWs pa-Taiwan.

Mababatid na nirerequire ng Taiwanese government sa migrant workers ang 14-day quarantine, at isa pang pitong araw na self-management, bago pumunta sa kanilang workplace.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Ang iba pang hakbang na kailangang sundin ay ang RT-PCR testing at one-person one-room isolation, bago pumasok sa kanilang bansa.

Maliban dito, ang migrant workers ay kailangan ring fully vaccinated laban sa COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD