Quarantine protocol para sa fully vaccinated individuals mula abroad, mananatali

Malabo umanong baguhin ng gobyerno ang COVID-19 quarantine protocols para sa mga nagbabalik na Pilipino sa bansa na naka-kompleto na ng COVID-19 vaccination abroad hangga’t wala pang pinal na international pact para sa pag-verify ng vaccination card.

Ito ang sagot ni presidential spokesperson Harry Roque matapos ang natanggap na puna ng pamahalaan dahil sa desisyon nitong bawasan sa pitong araw ang quarantine at tanggalin na ang RT-PCR test requirement para sa inbound travelers na nabakunahan na laban sa COVID-19 sa Pilipinas.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Ayon kay Roque, kailangan munang magkaroon ng kasunduan ang buong mundo para sa pag-verify ng authenticity ng vaccination cards.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Dagdag ng kalihim, nais naman ng gobyerno na maresolba agad ang major concern kaugnay ng protocols para sa mga fully-vaccinated individuals.

Aniya, tinatalakay na ng gobyerno ang mga paraan paano ang protocols na ipapatupad para sa fully-vaccinated individuals.