Inanunsyo ng Malacañang na sinuspende ng pandemic task force ng gobyerno ang shortened seven-day quarantine period para sa mga fully vaccinated close contacts ng mga suspected at confirmed COVID-19 cases.
Tinutukoy ni Presidential spokesperson Harry Roque ang Paragraph C ng government’s pandemic task force Resolution No. 124-B na inilabas noong nakaraang buwan na nagsasaad na ang mga fully vaccinated individuals ay maaring sumailalim sa shortened seven-day quarantine period, sa kondisyong mananatili silang asymptomatic sa buong duration ng seven-day period.
Ayon kay Roque, ang desisyon ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng proactive measures para mapagabagal ang surge sa mga kaso ng COVID-19 cases at mahinto ang lalo pang pagkalat ng variants.
Paliwanag ng kalihim, dahil sa suspension, ang testing at quarantine protocols ng fully vaccinated individuals ay kailangang tumalima sa Memorandum No. 2020-0512 ng Department of Health Department o ang Revised Interim Omnibus Guidelines kaugnay sa Prevention, Detection, Isolation, Treatment, at Reintegration Strategies para sa COVID-19, na inilabas noong November 26, 2020.
Sa ilalim ng November 2020 DOH memorandum, ang lahat ng close contacts ng probable at confirmed cases at travelers ay sasailalim sa 14-day quarantine. // MHEL PACIA-TRINIDAD
