Kasalukuyang nakakaranas ang mga medical facilities sa Metro Manila ng kaparehong COVID-19 situation na nakita noong Marso at Abril, dahil sa bagong surge sa mga kaso.
Kaugnay nito, inanunsyo ng ilang ospital sa National Capital Region na umabot na sila sa capacity dahil sa pagtaas sa mga pasyente ng COVID-19 patients.
Sa parehong pagkakataon, may ibang mga pamilya ng COVID patients na naghahanap ng medical attention sa ibang mga probinsya, habang may iba naman na hindi na nakapasok sa mga health facilities sa kabila ng ilang oras na paghihintay sa pila para ma-accommodate.
Maliban dito, sinabi ni Philippine Hospital Association President Jaime Almora na maraming pasyente ngayon ang pumupunta sa mga medical facilities, dahil naman sa ibang sakit gaya ng dengue at influenza. // MHEL PACIA-TRINIDAD
