Umabot na sa 13, 579 ang kabuuang bilang ng mga naaresto sa lalawigan ng Pampanga simula noong Disyembre ng nakaraang taon, dahil sa pagsuway sa quarantine protocols.
Karamihan sa mga nahuli ay dahil sa hindi pag-susuot ng face mask.
Kaugnay nito pinaalalahanan ni Pampanga Police Provincial Office Director Colonel Arnold Ibay ang publiko na huwag isawalang bahala ang mga batas na ipinatutupad ngayon sa lalawigan sa ilalim ng Executive Order 17-2021.
Aniya, hindi na idadaan sa pakiusap ang gagawing paghuli sa mga susuway, agad na umano nila itong dadalhin sa presinto at pagmulmultahin.
