Quad Comm – umapela kay Senador Bato dela Rosa na humarap na lang sa Kamara kaysa magsalita sa media

Umapela ang Quad Committee sa mga dating opisyal ng administrasyon na humarap na lang sa Kamara.

Matatandaaang makailang beses na rin kasing nagbigay ng imbitasyon ang megapanel kabilang na sina dating pangulong Rodrigo Duterte at dating PNP chief Sen. Bato dela Rosa; pero dahil sa kortesiya ay hindi sapilitan ang pagpapadalo sa kanila sa pagdinig.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay House Committee on Human Rights Chairperson Rep. Bienvenido Abante, sinabi nitong mas maiging dumalo si Dela Rosa sa kanila kaysa magsalita sa social media, o sa mga media magpa-unlak ng interview.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Kahapon sa Quad Comm inquiry – idinawit ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa si dela Rosa, habang ibinahagi naman ni Royina Garma ang ‘di umano’y reward system sa war on drugs ng nagdaang administrasyon.