Paglilinis ng puntod sa Manila North Cemetery – hanggang Oct. 25 na lang

Naglabas na ng paalala ang pamunuan ng Manila North Cemetery sa publiko para samantalahin ang pagkakataon na magsagawa ng pagsasaayos sa mga nitso ng mga mahal sa buhay na yumao na.

Batay sa abiso ng Manila North Cemetery, papayagan na lamang hanggang sa October 25 ang paglilinis at pag pintura sa mga nitso.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ayon pa sa management ng Manila North Cemetery , simula October 24 hanggang November 4, bukas ang main gate ng sementaryo ng alas 5 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ipinagbabawal din ang pagpapasok ng mga inuming nakalalasing at mga bagay na madaling magliyab, baril mga patalim, baraha, bingo card at anumang uri ng sugal.

Hindi rin papayagan ang pagpasok o pagdadala ng anumang alagang hayop.