DOH, nakapagtala ng 270,000 dengue cases

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 269,467 kaso ng dengue ngayong taon.

Ito ay may 82% na pagtaas kumpara sa 147,678 na kaso noong nakaraang taon.

Naiulat ang 702 pagkamatay, na may case fatality rate na 0.26%, kung saan mas mababa ito kumpara sa 0.37% taong 2023.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Dahil dito, hinihikayat ni DOH Secretary Ted Herbosa ang publiko na maging alerto at ipagpatuloy ang mga hakbang sa pag-iwas.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Hinimok din ni Herbosa ang lahat na magsagawa ng mga preventive measures at humingi ng medical attention sa unang senyales ng sintomas ng dengue.

Sa huli, binalaan din ng DOH ang publiko na maging mapagbantay, lalo na sa panahon ng tag-ulan.