Ibinahagi ng independent pandemic monitor na OCTA Research na bumaba na ang COVID-19 reproduction numbers sa Quezon City at sa lungsod ng Manila.
Pagbabahagi ni OCTA Research fellow Guido David, ang Quezon City ay mayroong 1.27 reproduction rate as of August 31 mula sa 1.47 as of August 24.
Ang Manila ay mayroong 1.33 reproduction number, na mas mababa mula sa 1.49.
Ayon kay David, ang pagbaba ng sa bilang para sa dalawang lungsod ay maaring senyales ng posibleng downward trend ng mga kaso sa ibang mga LGUs sa Metro Manila.

Binigyang diin naman nito na ang 1.44 reproduction number sa Metro Manila ay maikokonsidera paring mababa.
Una nito, nagpahayag ng pagiging positibo ang OCTA fellow na bababa sa less than one ang COVID-19 reproduction number sa NCR sa kalagitnaan ng Setyembre. //MHEL PACIA-TRINIDAD