Umaabot sa mahigit 4,500 doses ng COVID-19 vaccines ang nasayang dahil sa mishandling o ibang ‘unforeseen accidents’.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang wastage mababa parin naman kumpara sa bilang ng mga bakuna na naipamahagi.
Pero sa kabuoan naman umano, maliban sa mga nailathalang ulat na nasunugan o nag frozen ang mga bakuna, ay ‘very careful’ at ‘very well-managed’ ang cold chain para sa naturang mga bakuna.

Samantala, nasa 13.7 million individuals na sa Pilipinas ang fully vaccinated laban sa COVID-19, habang 33 million COVID-19 vaccine doses na ang naituturok simula noong August 29, kung saan 19.3 million ang naibigay bilang first doses. // MHEL PACIA-TRINIDAD