Govt, target ang multiple days ng botohan para sa 2022 polls

Target ng COVID-19 task force ng gobyerno ang posibilidad na magkaroon ng multiple voting days para sa 2022 elections para maiwasan ang potensyal na superspreader events.

Giit ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., ang tradisyunal na one-day voting ay posibleng hindi maging “feasible” dahil sa COVID-19 pandemic.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Pagbabahagi ni Galvez, nakikipag-ugnayan na ang IATF Against COVID-19 sa Commission on Elections (Comelec) para humanap ng paraan para mabawasan ang pagkalat ng virus sa panahon ng halalan.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Sa ilalim ng 1987 Constitution, ipinag-uutos na ang halalan ay kailangang isagawa sa ikalawang Lunes ng Mayo.

Una nito, sinabi na ni Comelec Commissioner Antonio Kho Jr. na handa silang isagawa ang halalan sa loob lang ng isang araw, pero palalawigin ang voting hours. //MHEL PACIA-TRINIDAD