Naghahanada ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na may mga nakalinyang aktibidad para sa tatlong araw na selebrasyon para sa Chinese New Year.
Magsisimula na ito bukas February 9 hanggang Linggo, February 11.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, bahagi ito ng pagsisikap para i-promote ang Banawe Street – ang sariling China Town ng siyudad.
Kilala ang nasabing kalye sa pagbebenta ng car parts at may iba’t iba rin silang Chinese restaurants at landmarks.
