‘Q Fever’ – contained na ayon sa DA; mga cattle raisers sa bansa, wala na raw dapat ikapangamba

Wala raw dapat ipangamba ang publiko kaugnay sa napag-alamang pagtama ng Q fever sa ilang imported na mga kambing.

Ito ay kasunod ng naging imbestigasyon ng Department of Agriculture (DA) sa mild zoonotic disease na Q fever na maaaring makuha ng ilang mga hayop gaya ng baka at kambing.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay DA (DA) Asec. Arnel de Mesa, tiniyak nitong contained na ang sakit, at na-depopulate na ang mga kambing na nagpositibo rito.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Nagtuloy-tuloy din daw ang contact tracing at serye laboratory tests ng ahensya.

Mula aniya rito, negatibo na mga lumabas sa tinest na mga hayop.

Sa huli, sinabi ni de Mesa wala pang human transmission ng Q fever.