Incoming DepEd Sec. Angara kumpiyansang magkakaroon ng salary increase para sa mga guro

Isusulong ni incoming Department of Education (DepEd) Secretary, Senador Sonny Angara ang pagreporma sa edukasyon sa bansa matapos lumabas sa mga pag-aaral ng eksperto na medyo marami ng naipapasok sa curriculum.

Anya, ‘di tulad ng ibang bansa na mayroong malakas na foundation sa learning system sa pagbabasa, ang Pilipinas ay ‘very heavy’ sa memorization at paggamit ng traditional teaching methods.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Alinsunod nito, ayon kay Angara, magiging ‘back to basics’ muna ang curriculum sa pamamagitan ng pagbibigay ng pokus sa kalidad ng edukasyon sa pagbabasa, matematika at agham.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Samantala, kumpiyansa naman ang senador na magkakaroon ng pagtaas ng sahod sa mga guro kung hindi ngayong taon ay sa susunod na taon bagamat hindi umano biro ang pag-umento rito.