Bentahan ng school supplies sa ilang tindahan sa Metro Manila – nananatiling matumal

Tatlong linggo na lang pasukan na at panahon na para mamili ng gamit pang eskwela.

Dahil dito, naglabas na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price guide para sa mga consumer sa pagbili ng mga gamit sa paaralan sa pagsisimula ng bagong school year sa July 29.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sa ngayon, matumal pa at hindi pa dama ang mga mamimili ng school supplies sa ilang tindahan sa Metro Manila.

Gaya na lang sa Marikina City, hindi pa gaanong ramdam ang bentahan ng school supplies pero may mangilan-ngilan nang namimili.

Inaasahan daw ng mga tindero na sa 3rd week nga nitong buwan ang dagsa ng mga mamimili.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sa Baclaran naman sa Parañaque City, matumal din ang bentahan ng gamit pang-eskwela dahil daw sa matinding kompetisyon online.

Ayon naman sa ilang nagtitinda ay mas maganda mamili sa physical store kase nga mache-check kung may sira ba, o wala, ang gamit, at syempre ay marami rin daw pagpipilian.