PVet So.Cot may paalala sa mga magdadala ng lechong baboy, pork products palabas ng lalawigan

KORONADAL CITY- MULING nagpaalala si Provincial Veterinary Officer Dr. Flora Bigot sa publiko na i-comply ang mga kinakailangang dokumento sa pagbiyahe ng lechon baboy at iba pang pork products palabas ng lalawigan.

Ayon kay Bigot na ito ay dahil sa mahigpit na polisiyang ipinatutupad sa mga karatig-lugar sa gitna ng banta ng African Swine Fever o ASF.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Upang maiwasang makumpiska ang dalang lechong baboy, nanawagan ang opisyal sa mga nagpaplanong maligo sa dagat sa General Santos City at Saranggani province na kumuha ng meat inspection certificate mula sa slaughterhouse at veterinary shipping permit sa Veterinary Quarantine Office sa Makar Wharf.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Samantala, upang hindi na mahirapan pa at maabala sa pagkuha ng naturang dokumento, kung maaari ay sa pupuntahang lugar na lamang bumili ng lechon at iba pang pork products.