Far flung barangays tututukan sa PhilSys registration sa 2022

KORONADAL CITY- NANAWAGAN si Philippine Statistics Authority o PSA South Cotabato Provincial Statistics Officer Jilmar Grecia sa publiko na samantalahin ang pagpaparehistro para sa national ID sa mga registration centers sa iba’t ibang mga barangay at munisipyo.

Read More:  Religious beliefs influence family planning decisions among some Muslim families – CRMC

Ayon kasi kay Grecia na sa 2022, posibleng ilang registration centers na lamang ang kanilang bubuksan dahil tututukan na ng mga ito ang mga malalayong barangay na hindi pa nila napupuntahan tulad ng Barangay Ned sa Lake Sebu.

Read More:  Cebu sinkhole under close watch as Bogo City officials restrict access

Napag-alaman na sa South Cotabato, nasa 65% pa lamang ng target population nito na halos 700,000 ang nakapagparehistro para sa Philippine ID System (PhilSys).