Puwersa ng NPA, humina sa ilalim ng PRRD admin – SND Lorenzana

Ipinagmalaki ni Defense Secretary Lorenzana na humina na ang puwersa ng New People’s Army sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Kalihim, patunay dito ang bilang ng mga nagsisipagsuko na mga miyembro ng rebeldeng grupo o kung tawagin ay ang mga nagbabalik-loob sa gobyerno.

Kabilang na rito ang pagbababa ng armas ng nasa 24,000 na mga miyembro ng NPA na kung saan ay binigyan ng gobyerno ng mga pangkabuhayan at tulong pang-edukasyon sa kanilang mga anak.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Na-neutralize din aniya ang 47 mula sa 81 isa na mga guerrilla fronts.

Bago ito, una nang binalaan ni Lorenzana ang mga kumakandidato na ‘di umano’y nagbabayad sa mga NPA ng ‘permit to campaign’ at ng ‘permit to win fee’.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon sa Kalihim, hindi patas ang labanan kung nagbabayad ng kotong ang isang pulitiko sa mga lugar na mayroong mga presensya ng NPA.

Dahil dito, hinikayat ni Lorenzana ang mga kandidatong bibisita sa mga liblib na lugar na maaaring magpasama sa mga sundalo para sa kaligtasan nito.
#