Camalig PNP mahigpit na ang pagbabantay sa mga high-risk area ng bayan sa halalan

Tiniyak ng Camalig Municipal Police Station na handang handa na ang mga kapulisan sa nalalapit na halalan ngayon May 9 2022 National and Local Elections.

Sa panayam ng Brigada News Fm kay Police Chief Master Sergeant Marly Gragasin, ang spokesperson ng Camalig mps sinabi nito nakadeploy na ang pnp personnel sa kanya kanyang polling precints matapos maipamahagi na ang vote counting machines (VCM) sa bawat barangay.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Pananatilihin rin ng pulisya ang police assistance desk na inilatah sa Brgy Libod by pass road at nakaactivitaed rin ang mga Desk personnel upang mamonitor ng mga ito sa posibleng mangyari sa magaganap na halalan.

Aabot sa 38 na polling precints sa bawat barangay ang kanilang binabatayan.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Karamihan din dito sa polling precints ay mayroong tigdadalawang PNP personnel ang kanilang pagbabantay dahil sa nasa high risk area ang upland barangay.

Kabilang ang barangay na nababantayan ang Barangay Paryaan, Cabilidongan, Quirtillahan, Quitinday, Manawan, Binanderahan at marami pang iba.