Putin tiniyak kay N. Korean leader Kim na palalawakin pa ang kanilang bilateral relations

Tiniyak ni Russian President Vladimir Putin kay North Korean leader Kim Jong Un na mas palalawakin pa ang “comprehensive at constructive” bilateral relations ng dalawang bansa.

Ayon sa Pyongyang state media, ito ang laman ng sulat ni Putin kay Kim.

Napag-alaman na sinabi ni Putin kay President Kim na layon ng dalawang bansa ang mas malapit na ugnayan lalo na sa security at stability sa Korean peninsula at Northeastern Asian region.

Matatandaan na dati nang nagpahayag ng suporta sa isa’t isa ang dalawang bansa na kilala din sa buong mundo bilang mga walang kinatatakutan.