800 estudyante, unang batch ng nabigyan ng educational assistance ng LGU Jovellar sa Albay

LEGAZPI-Aabot sa 800 na mag aaral sa elementarya hanggang kolehiyo ang binigyan ng educational cash assistance mula sa Local Government Unit (LGU) Jovellar sa Albay.

Ayon kay Jovelar Mayor Jorem Archangel, unang batch pa lamang ang kanilang nabibigyan ng nasabing asistensya.

Aniya, kukuha ng 200 estudyante mula sa elementarya, Junior and Senior High School at kolehiyo.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Layunin ng programa na matulungan ang mga mahihirap na mga estudyante sa panahon ng pandemya lalo na sa pangangailangan na pang araw-araw na mga mag aaral na kagamitan tulad ng notebook, ballpen, lapis at marami pang iba.

Para naman mapabilang sa ibinibigay na cash assistance, kinakailangan lamang makapagsumite ang estudyante ng certificate of indigent mula sa barangay, school Id.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Matapos naman na maisumite ang requirements, isasailalim rinang mga ito sa interview validation upang matiyak na ito ay nararapat na mabigyan ng nasabing programa.

Sinabi ng opisyal, inaasahan rin na madadagdagan pa ng mga mag aaral na benepisyaryo para sa ikawalang batch na pamimigay ng cash educational assistance sa bayan.