Libreng sakay ng Bicol University, umarangkada na ngayong araw

LEGAZPI CITY – Umarangkada na ang “Libreng Sakay Program” ng Bicol University para sa mga estudyante nito ngayong araw, Agosto 15.

Nagpalabas na rin ng kanya-kanyang public advisory ang mga Local Government Units (LGU), kaugnay ng mga ruta na sakop ng nasabing programa.

Sasagutin naman nito ang pamasahe sa jeepney sa unang linggo simula ngayon araw, hanggang sa Biyernes (Agosto 19).

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aniya, wala umanong babayaran ang mga mag-aaral sa pagsakay ng nasabing sasakyan papasok ng BU Main Campus, Daraga Campus, BUCAF, BUPC at BUTC vice versa.

Samantalang sa unang araw pa lamang ng pagpasok ng mga estudyante, kitang-kita ang kanilang kasiyahan dahil sa nakatipid ang mga ito ng pamasahe.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

May tarpaulin at signage naman ang mga jeep kung saan may libreng sakay, kaya inaasahang hindi na mahihirapan ang mga estudyante.

Ipi-presenta lamang ang school ID sa driver at para naman sa freshmen, kailangan lang ipakita ang photocopy ng kanilang Certificate of Registrar (COR) mula sa unibersidad.