Pura Luka Vega, hindi natinag sa persona non grata

Hindi natinag ang kontrobersyal na drag artist na si Pura Luka Vega sa mga siyudad na nagdeklara sa kanya bilang persona non grata.

Nagsagawa si Pura ng persona non grata-themed performance sa hindi isinapublikong lokasyon.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Nagtanghal ang drag performer ng lip synch ng kanta ni Taylor Swift na ‘Look What You Made Me Do’ at may dala pang framed photo ng kanyang sarili na naka-costume na mala Hesu Kristo.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Hinggil naman sa pag-tag sa kanya ng mga siyudad bilang persona non grata, aniya ‘dagdagan niyo pa, pakialam ko.’

Giit ni Pura, lahat ng tao ay may kasalanan kaya ‘Do not do unto others what you don’t want others to do unto you.’