Itinanggi ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea na nangako si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing na tanggalin ang pagkasadsad ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Medialdea, hinding-hindi magagagawa ni Pangulong Duterte na mangako sa Beijing dahil alam niyang simbolo ito ng soberanya ng Pilipinas.
Nilinaw din ng dating Executive Secretary na kahit pabiro ay hindi nagbitaw ang dating Pangulo ng anumang commitment sa China.
Una nang pinabulaanan nina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang paratang na sila ang nangakong alisin ang barko sa Ayungin Shoal.
