Pulisya sa Camarines Sur nagpaalala sa mga kandidato na huwag magbibigay ng anumang campaign funds sa alinmang armadong grupo

CAMARINES SUR– Sa pag arangkada ng local campaign period noong nakaraang linggo, nagpalabas agad ng paalala ang ilang mga opisyal ng Philippine National Police sa Camarines Sur na huwag magbigay ng anumang pera o campaign funds sa alinmang armadong grupo tulad ng sa mga rebeldeng New People’s Army.

Isa sa nagbigay ng paalala ay si PLt.Col Allan Macoy Jr. ng Pili Municipal Police Station nang makapanayam siya ng Brigada News FM Naga.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nabanggit niya na may kalakihan din ang bayan ng Pili na binubuo ng 26 na barangay na kung saan ang iba sa mga ito ay malayo na sa sentro kaya posibleng mabiktima ng ganitong galawan ng mga armado ang ilang mga kandidato nila sa bayan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Bagamat, wala pang nakakarating na anumang report sa kanilang himpilan ,higgil sa ganitong grupo ay pinag-iingat pa rin ng opisyal ang publiko.

Election time anya ngayon kaya posibleng manghingi ang mga ito ng campaign funds sa mga kandidato.

Magkagayunman, nakahanda sila sa ganitong aktibidad ng mga armado sakali mang magparamdam ngayong Halalan.