CAMARINES NORTE- Unti-unti ng dinadagsa ng mga turista ang Calaguas Island ngayon nararamdaman na ang init ng panahon at sa patuloy na paglakas ng turismo sa Camarines Norte dahil na rin sa pagluluwag ng mga restictions
Nitong sabado ay nasa mahigit limang daan ang pumasok na mga turista sa Camarines norte patungong Calaguas Island lamang
Pumapalo ngayon sa 2800 hanggang 3000 ang package per head sa kada papasok na turista batay na rin sa mga tour operator na nakapanayam ng Brigada News FM Daet
Aminado naman ang mga operator na hindi naman sila makapagtaas na presyo ng package tour sa kabila ng mataas na presyo ng produktong petrolyo na kung tutuusin ay lubos na ring nakakapaketo sa kanilang negosyo.
Samantala, nitong weekend ay dumagsa na rin ang mga turista sa Bagasbas Wharf na pawang mga galing pa sa metro manila at iba pang probinsiya
