Hinimok ng pulisya na sumuko na ang iba pang sangkot sa pagkamatay ng 4th year criminology student na si Aldryn Bravante dahil sa hazing sa Quezon City.
Ayon kay QCPD Spokesperson PLtCol. May Genio, patuloy silang nakikiusap sa mga mgaulang ng mga kabataan na isuko na ang mga ito dahil mayroon na aniya silang hawak na mga impormayson at tuloy-tuloy ang operasyon laban sa mga suspek.
Sa imbestigasyon g QCPD, nangyari ang initiation rites ng alas dose ng tanghali at natapos ng alas dos ng hapon kahapon.
Pero pagsapit ng alas kwatro hanggang alas singko ng hapon ay bigla na lamang umanong dumaing ang biktima na nahihirapan itong huminga saka nawalan ng malay.
Dakong alas sais naman kagabi nang dalhin ito sa Chinese General Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Halos malinis na rin umano ang initiation rites na ginawa sa isang abandonandong gusali sa Sto. Domingo sa Quezon City at tanging bote na lamang ng tubig ang narecober ng pulisya.
Lumalabas din sa kanilang imbestigasyon na tinapon sa ilog ang ginamit na Paddle sa biktima.
Hawak na ngayon ng QCPD ang apat na suspek kung saan dalawa ang naaresto at dalawa ang sumuko.
