Pulis sugatan matapos barilin ng lalaking inakalang target siya ng operasyon sa Cavite

Sugatan ang isang pulis matapos mabaril ng isang lalaking inakalang siya ang target ng isinasagawa nilang operasyon kontra-sugal sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa mga otoridad nakasalubong ng mga pulis sa eskinita ang suspek at nakabatian pa nila noong una, dahil hindi naman nila ito target.

Ngunit nagtamang hinala ang suspek at inakalang siya ang target ng operasyon.

Naaresto naman ang suspek matapos sumuko habang isinugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng tama sa hita at tiyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *