Mahigit 40 mga aso, nabigyan ng libreng anti-rabies at deworming sa isang barangay sa bayan ng Mercedes

Nabigyan ng libreng anti-rabies vaccine at free deworming ang nasa 45 aso sa Brgy. 2, Mercedes, Camarines Norte sa pamamagitan ng FREE MOBILE CLINIC hatid ng Provincial Veterinary Office (Provet). Maliban sa bakuna at pamulate, nagbigay din ang team ng libreng bitamina, at medical consultation.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Dr. Ronald U. Diezmo kasama ang iba pang ProVet staff sa pakikipag tulungan ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng LGU.

Layunin umano ng FREE MOBILE VET CLINIC na mailapit ang serbisyong hatid ng tanggapan at bilang tugon na rin sa kahilingan ng mga barangay na mabakunahan ng libre ang mga alagang aso at pusa upang wag nang kumalat pa ang rabies.

Ang rabies ng isang hayop ay mapanganib na dapat maiwasan sapagkat maaaring maging sanhi ito ng kamatayan kapag hindi naagapan. Ang Free Mobile Clinic ng ProVet at MAO ay magpapatuloy pa sa ibang barangay sa Poblacion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *