Higit 100 pamilya – apektado ng lahar flow sa Negros Occidental

Umabot sa 172 pamilya ang apektado matapos bumuhos ang malakas na ulan na nagresulta sa rumaragasang tubig na kulay-abo na may kasamang malalaking troso ng kahoy sa Bayan ng La Castellana.

Naitala ito sa sa Purok Tamborong, Brgy. Biak na Bato ng nasabing bayan.

Mayroon ng mahigit 800 indibidwal ang nanatili sa mga evacuation centers simula ng pag-alboroto ng Bulkan Kanlaon.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Sa huling lahar advisory ng PHIVOLCS – kinumpirma nito ang lahar flow na mula sa bulkan.

Dulot ito ng mga pag-ulang tumagal kahapon ng hanggang sa dalawang oras, at may volume na 23.75mm.

Apektado ng lahar flow ang apat na waterways, kabilang na ang Tamburong Creek, Iniguiwan River, Padusdusan Galls, at Binalbagan River.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Nagkulay-abo rin ang tubig na dumadaloy sa Baji-Baji Falls.

Sa pamamagitan naman ng Brigada 1Tahanan napag-abutan na rin ng tulong ang mga residente ng Brgy. Cabagnaan, sa nasabing bayan. (with reports from Andy Galve | 99.7 Brigada NewsFM Kabankalan)