LTFRB, kumpyansang ‘di susuportahan ni PBBM ang suspension ng PUVMP

Naniniwala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sinusuportahan pa rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno.

Ito ay sa kabila ng inihaing resolusyon ng Senado na nagrerekomendang suspindihin na muna ang programa.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Kasabay ng kilos-protesta ng ilang drivers at operators, sinabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III na tuloy-tuloy ang programa hanggang matapos ang final stages ng modernisasyon, lalo pa’t suportado ito ng pangulo.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Makakaasa umano ang mga Pilipino sa suporta mula sa Department of Transportation, at walang mangyayaring suspensyon.