Pulis patay, isa sugatan sa atake ng NPA

SORSOGON CITY – Patay ang isang pulis habang ang kasamahan nito ay naiulat na sugatan makaraang paulanan ng bala ng mga rebeldeng grupong NPA, gabi ng Pebrero 28 sa Brgy Esperanza, Castilla, Sorsogon.

Kinilala ang nasawi na si PCpl Ryan Atos habang ang sugatan ay nakilalang si PCpl John Mark Landicho kapwa miyembro ng 504th Maneuver Company na nakabase sa nasabing lugar.

Sa impormasyon na nakuha ng Brigada News, may natanggap umano na impormasyon ang tropa na may mga armadong grupo na naispatan sa naturang lugar.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Bunsod nito, naatasan ang dalawang pulis na e-verify ang nasabing impormasyon subalit 30 metro pa lamang ang layo ng dalawang pulis sa kanilang kampo ay pinagbabaril na ang mga ito kasabay ding pinaulanan ng bala ang kanilang kampo ng mga rebelde.

Gumanti ng putok ang tropa ng pulis hanggang sa umatras ang mga kalaban matapos ang 15 minutong palitan ng putok.

Naitakbo pa sa pinakamalapit na ospital si PCpl Atos subalit hindi na ito nakarating ng buhay.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kinondena naman ng PNP Bicol ang nasabing pag-atake.

Samantala, nagpalabas na ng opisyal na pahayag ang tagapagsalita ng Celso Menguiz Command, NPA-Sorsogon na si Samuel Guerrero at tahasang inako ng mga ito ang pamamaril at pangharas.

Nakasaad sa kalatas na ang kanilanag operasyon ay bahagi ng nagpapatuloy na pagtugon ng kanilang hukbo sa kahilingan umano ng masang Sorsoganon na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng karahasan ng PNP at AFP na tinawag ng mga ito na mga ‘’pasista.’’