Pulis na nasugatan sa operasyon sa Batangas City, pinarangalan

Binigyan ng ‘Medalya ng Sugatang Magiting’ ang isang pulis na nagpamalas na kabayanihan at nasugatan sa ikinasang follow-up operation na target noon ang suspek sa isang pamamaril sa Batangas City.   

Kinilala ang magiting na pulis na si Police Staff Sergeant Ponciano V. Asilo Jr.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Si Asilo ay nagtamo ng tama ng baril sa kanyang binti matapos na nanlaban at nagpaputok ng baril ang suspek na si Aristotle De Chavez matapos na makorner ng mga kapulisan sa tinutuluyang hotel sa Sta. Rita Karsada, Batangas City nitong nakaraang Setyembre 2.

Matatandaang nagpakamatay ang suspek at binaril ang kanyang ulo sa naturang operasyon.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Binisita at personal na iginawad kay Asilo ang parangal ni Deputy Regional Director for Operations Police Regional Office -CALABARZON PCol. Roel Rodolfo kasama si Batangas PNP Provincial Director PCol. Samson Belmonte.

Nakatanggap din ng tulong pinansiyal ang bayaning pulis bilang tulong sa pagpapagaling nito.