Pulis na bumunot ng baril sa road rage sa Antipolo City, sinibak na sa pwesto

Inalis na sa pwesto ng Rizal Police Provincial Office ang isang patrol man matapos magviral ang isang video kung saan siya ay nahuling bumunot ng baril dahil sa away trapiko sa Antipolo City.

Ayon kay Rizal PPO Director PCol Felipe Maraggun, nasa restrictive custody na ang pulis sa Morong Municipal Police Station.

Paliwanag niya nagalit umano ang pulis dahil sa ginawa ng truck na pag cut nito sa kanya sa zigzag road na muntik na niyang ikapamahamak.

Sa ngayon ay nadisarmahan na ang pulis at iniimbestigahan para sa adminastribong kaso. (Justine Jumarang – Brigada News Intern)