Kapatid ni dating Rep. Arnie Teves na si dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves – na-aresto sa Dumaguete City

In-aresto ng PNP-CIDG ang dating gobernador ng Negros Oriental na si Pryde Henry Teves.

Ayon sa mga otoridad, isinilbi nila ang warrant laban kay Teves para sa mga kasong may kinalaman a terorismo, partikular na ang ‘di umano’y pagpa-finance para rito.

Read More:  Bong Go leads 2028 vice presidential preference survey with 31%

Mayroon namang P200,000 na piyansang itinakda ang Korte para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Kung maaalala, na-designate si Teves ng Anti-Terrorism Council (ATC), at 12 iba pa bilang mga terorista.

Read More:  Teodoro probes possible spying at illegal POGO hub near military camps

Ito ay dahil sa ‘di umano’y mga patayan at harassment sa lalawigan ng Negros Oriental.

Si dating governor Pryde Henry ay kapatid ni dating representative Arnie Teves, ang ‘di umano’y primary suspect sa pagpatay kay dating Governor Roel Degamo.