Ongoing pa rin ang mga hakbang ng Commission on Elections (Comelec) para sa mungkahing pagbabawal sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa eleksyon.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Comelec Chair George Garcia, sinabi nitong inaasahang bago matapos ang Hunyo ay magkakaroon sila ng konsultasyon kaugnay sa naturang hakbang.
Kaugnay nito, mariing sinabi ni Garcia na hindi lang sila basta-basta dapat magpatupad ng mga pagbabawal.
Napakalawak daw kasi ng AI, at posibleng ma-violate ng pagba-ban ang freedom of expression ng mga Pilipino.
Samantala, sinabi ng ahensya na ang tututok dito ay ang Task Force Kontra Fake News sa pamununo ni Commissioner Nelson Celis.