Pulis at dating NBI aide, guilty sa Jee Ick-Joo case

Hinatulang guilty ng Angeles Regional Trial Court Branch 60 sa kasong kidnapping with homicide ang isang pulis at NBI aide dahil sa pagkamatay ng  South Korean businessman na si Jee Ick-Joo noong 2016.

Hinatulan ng korte si SPO3 Ricky Sta. Isabel at dating NBI aide na si Jerry Omlang ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakakulong dahil sa kidnap-slay kay Jee.

Read More:  ICC eyes November 2026 trial for Duterte case

Hinatulan din makulong ng 22 at 25 taon ang dalawa sa kasong kidnapping with serious illegal detention dahil sa pagdukot sa helper ni Jee na si Marisa Marquicho at sa pag-carnap sa SUV ni Jee, na ginamit para dalhin sila mula sa kanyang bahay sa Angeles, Pampanga hanggang sa Camp Crame sa Quezon City.

Samantala, ang umano’y mastermind na si Supt. Rafael Dumlao, ay napawalang-sala sa lahat ng 3 kaso dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang kanyang kasalanan.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Pinatay ang South Korean businessman para “patahimikin” umano siya tungkol sa umano’y police extortion sa mga Koreano sa Angeles City.

Ang pagkamatay ni Jee Ick Joo ang nag-trigger ng unang suspensiyon ng war on drugs noong unang bahagi ng taong 2017.//CA