Hepe ng Angeles City Police, sinibak sa pwesto

Sinibak sa pwesto ang hepe ng Angeles City Police dahil sa umano’y pagkakasangkot ng kanyang mga tauhan sa iligal na pag-aresto at pangingikil.

Ayon kay PNP public information officer Chief P/BGen. Redrico Maranan, sinibak sa kaniyang posisyon si Angeles City Director P/Col. Juritz Rara  at kasalukuyang iniimbestigahan, base sa utos ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr.

Read More:  House prosecution drops Sara Duterte bribery charge

Pinalitan si Rara ni Police  Colonel Deonido Maniago Jr.

Noong nakaraang Biyernes naaresto sa operasyon ng PNP  Integrity Monitoring and Enforcement Group o IMEG ang pitong pulis ng Angeles City Police matapos umanong masangkot sa hulidap.

Read More:  DILG Sec. Remulla pays Vice Mayor Respicio’s ₱28K drug test

Ayon kay  Maranan, mangyayari rin sa ibang opisyal ang nangyari kay Col. Rara kapag nakita s amga inspeksyon s amga custodial facility na may nakakulong na wala namang kasong isinasampa.//CA