Himas-rehas ngayon ang isang pulis matapos manutok ng baril sa isang kasalan sa P-1, Brgy. Bañadero bayan ng Daraga, Albay.
Kinilala ang suspek na pulis na si PSSg. Aldin Regorgo, nakaaasign sa Provincial Intelligence Unit ng Albay PPO.
Ayon sa report, bandang alas-2:30 ng hapon ay nagtungo sa Daraga MPS ang brgy. kagawad na si Arnel Nidua at Randy Llorando Sevilla upang ireport ang nasabing insidente.
Agad na pinuntahan ng mga otoridad ang lugar upang tingnan ang kalagayan o sitwasyon na ginaganap na kasalan.
Nang maabutan ng pulisya, tila nasa ilalim ng impluwensya ng alak sa okasyon ng kasal ng kanyang pinsan sa nabanggit na lugar at itinutok ang kanyang baril sa mga bisita.
Dahil dito, inaresto ang suspek at narekober sa kanya ang isang (1) unit na Galil at isang (1) unit na Canic 9mm pistol firearms at nakuha ang mga fired cartridge cases para sa caliber 9mm at caliber 5.56.
Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng pulisya ang pulis na suspek para sa kaukulang disposisyon.