Pilipinas, nakapagtala ng 369 new COVID-19 cases matapos ang New Year

Nakapagtala ng 369 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health, ilang araw matapos ang selebrasyon ng New Year.

Ito na ang pinakamababang single-day tally sa nagdaang limang araw.

Base sa DOH bulletin, mayroon na lamang 12,660 active cases ang bansa.

Nakapagtala rin ang ahensya ng 777 recoveries, dahilan upang umakyat na ang bilang ng mga gumaling sa 3,987,098.

Sa nakalipas na labing-apat na araw, ang Metro Manila na may 3,050 cases, pa rin ang may pinakamataas na bilang ng naitalang bagong kaso sa bansa.

Sinusundan ito ng CALABARZON na may 1,431 cases, at ng Central Luzon na 682 cases.