Publiko – pinag-iingat sa ‘kambal-plaka’

“Know before you go”

‘Yan ang panawagan ngayon ng Southern Police District (SPD) sa publiko lalo na sa mga komyuter na mag-ingat sa pagsakay mula sa ride-hailing app upang makaiwas sa mga masasamang loob.

Dahil isang 24-anyos na babaeng pasahero ang hinoldap ng driver na gumamit ng “kambal-plaka” sa Brgy. San Isidro sa Makati City.

Base sa ulat, ala-1:10 ng madaling araw nang magpa-book sa ride-hailing app ang babae mula sa Baclaran, Parañaque City hanggang sa Makati City.

Read More:  Senate to convene as impeachment court vs VP Sara Duterte on May 18

Habang nasa biyahe, lumihis sa ruta ang driver na si alyas “Roland” at inihinto sa isang lugar ang sasakyan bago naglabas ng gunting at nagdeklara ng holdap.

Sa kabutihang palad, nakabukas ang cellphone ng pasahero kaya naririnig ng boypren nito ang nangyayari na agad inalarma sa pulisya ang plate number na sinakyan ng nobya.

Sa pagresponde ng mga pulis, isang alyas “Jethro” ang unang inaresto na tumugma sa plate number hanggang sa ikanta na niya na kinopya lamang ang kaniyang plaka ni alyas “Roland” na sa huli ay nakumbinsi ring lumutang sa pulisya.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Sa presinto, positibong kinilala ng biktima ang driver na si Roland ang nangholdap sa kaniya, bagama’t hindi na isinulong na kasuhan ang suspek, nilinaw niya na gusto niya lang na maidokumento ang insidente upang magsilbing babala sa publiko hinggil sa modus ng suspek na may “kambal-plaka”.