Nograles, inaming ‘di madali ang pagtakbo laban sa dati niyang boss

Aminado ang dating chairman ng Civil Service Commission (CSC) na si Atty. Karlo Nograles na hindi naging madali ang desisyong pagtakbo bilang alkalde ng Davao City.

Sa kanyang paghahain ng kanyang kandidatura, makakabanggan niya si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Ayon kay Nograles, napakahirap ng desisyon para sa kanya lalo pa’t iniwan niya ang ahensya na napamahal na sa kanya.

Nakausap din umano nito ang kanyang pamilya at malapit na kaanak, at may sumang-ayon at may hindi.

Aniya, naging mahaba ang proseso na sinamahan din niya ng maraming dasal.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Paliwanag pa nito, mas humila sa kanyang pagtakbo ang pagbalik sa Davao at mabigyan ng ‘choice’ ang mga residente para sa halalan.

Mensahe nitong dapat nang ibalik ang tiwala sa tao, at ibalik ang limelight sa Davao.