Pinag-iingat ng Pnp Criminal Investigation and Detection Group ang publiko sa isa pang modus o panloloko ng ilang indibidwal sa Olongapo na kung tawagin ay Sanlang-Upa.
Ito ay ang uri ng pagsasanla ng mga real property gaya ng lupa, bahay, commercial building at tsaka pauupahan ng orihinal na may-ari at ang renta na mokokolekta mula dito ay hindi ibibigay sa napagsalaan.
Ayon kay CIDG Olongapo Chief Pmajor Kim Gamboa, kadalasang nabibiktima ng mga ito ay ang mga napagsanlaan na hindi nakatira sa lugar kung saan matatagpuan ang property.
Matatandaan, una nang nagreklamo ang mga nabiktima ng pekeng sanlang tira o ang ibang indibidwal ang magsasanla ng property nang hindi alam ng totoong nagmamay-ari.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
