Publiko mag-ingat sa walking pneumonia at iba pang sakit ngayong Christmas Season- DOH Bicol

NAGA CITY- Apat ang kumpirmadong kaso ng mycoplasma pneumoniae o “walking pneumonia” sa bansa nitong taon, ayon sa Department of Health (DOH). Naitala ang unang kaso ng mycoplasma pneumoniae noong Enero 2023, isa noong Hulyo at dalawa nitong Setyembre.  Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, walang outbreak nito sa bansa.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa press conference ng DOH Bicol , sinabi ni Dr. Maita Urbi-Bobis, Medical Officer IV Family Health Cluster, DOH Bicol CHD ngayong paparating na pasko at mga pagtitipon mag-ingat lalo na ang mga vulnerable at mga bata, hindi lamang sa naturang sakit kundi sa iba pang karamdaman na nakahahawa.  Sa tanong ng BNFM Naga , sa pag-iingat dito  sinabi ni Bobis na  ang pinaka mabisang pag-iingat ay ang tamang paghuhugas ng kamay.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Dagdag nito sa mga matataong lugar , puwede pa namang mag facemask upang hindi makahawa o hindi mahawaan ng sipon, flu o iba pang sakit. Kumain ng tama at uminom ng sapat na tubig.