Publiko, lalo pang pinag-iingat mula sa covid-19 ngayong papalapit na holiday season

Lalo pang pinag-iingat ng Department of Health Region 2 ang publiko mula sa banta sa COVID-19 ngayong papalapit na ang holiday season.

Ayon sa ahensya, marahil ay nababalitaan na ng mga mamamayan ang pagbaba ng mga kaso subalit hindi pa umano ito ang panahon para magpakampante.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Mariing ipinaalala ng kagawaran na dapat lalo pang mag-ingat dahil sa inaasahang ‘increased mibility’ ng tao ngayong nalalapit na holiday season.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Patuloy din ang panawagan ng DOH sa lahat na sumunod pa rin sa umiiral na minimum public health standards upang maipag-patuloy ang pagbaba pa ng mga tinatamaan ng corona virus.