Publiko, hinihikayat na suportahan ang mga programa ng gobyerno laban sa dumaraming kaso ng HIV/AIDS sa Bicol

LEGAZPI CITY – Hinihikayat ngayon ang publiko na dapat suportahan ang mga programa ng gobyerno laban sa lumalalang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Bicol Region.

Ayon kay Nenita Laude Ortega, AIDS Healthcare Foundation Program Manager, kailangan pagtuunan ng pansin ng mga mamamayan at lokal na pamahalaan ang pagtaas ng kaso ng nasabing sakit.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Karamihan umano kasi sa mga posibleng tamaan nito ay yaong mga lalaki na nasa edad 15-34 anyos, subalit may paraan din para maiwasan ito.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa ngayon, ang Camarines Sur, Albay at Sorsogon ang pinakaapektadong lalawigan sa rehiyon na may 2,553 na kaso mula pa noong 1984 at nadagdagan pa ng 264 sa taong 2021; 361 noong 2022 at 397 noong Oktubre 2023.