LGU Sto. Domingo, Albay, kinalampag na ang national government kaugnay ng patay-sinding supply ng kuryente ng ALECO

LEGAZPI CITY – Hindi na natiis ng lokal na pamahalaan ng Sto. Domingo, Albay, sa pangunguna ni Mayor Jun Aguas, ang halos walang humpay na patay-sinding supply ng kuryente ng Albay Electric Cooperative (ALECO), kung saan tinawag na niyang “palpak” ang serbisyo nito.

Kinalampag na niya ang gobyerno nasyonal sa pamamagitan ng pagsulat sa Senado, partikular kay Sen. Raffy Tulfo at kay Committee on Energy Chair Lord Allan Jay Velasco ng House of Representatives.

Umaabot kasi sa halos 12 beses ang pag-brownout sa isang araw na walang abiso na inaabot din ng 30 minuto hanggang 2 oras bawat interruption na nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga residente, negosyo pati na rin sa kalusugan.

Ayon kay Aguas, makailang ulit na niyang nakausap ang management ng ALECO subalit wala namang pagbabago at hindi naman nasosolusyunan.

Sa ngayon, umaasa ang alkalde sa magiging tugon sa kanyang sulat at magawan na ng paraan ang problemang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *