COMELEC, muling pinagbigyan ang hiling na extension ng kampo ni Guo

Binigyan ng karagdagang 10 araw ng Commission on Elections (Comelec) si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para maghain ng kanyang counter-affidavit sa subpoena na inihain laban sa kanya para sa umano’y misrepresentation sa eleksyon noong 2022.

Ito ay matapos i-grant ng Comelec ang ikalawang mosyon para sa extension ng panahon na ifinile ni Guo noong nakaraang linggo.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Nakasaad sa kautusan na binibigyan ng ahensya ang respondent na si Alice Leal Guo o si Hua Ping Lin Guo ng 10 calendar days mula September 2, 2024 hanggang September 12, para makapag-file ng Counter-Affidavit.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Binigyang-diin din ng Comelec na matapos ito, wala na silang extension na ipagkakaloob pa sa alkalde.

Mababatid na pormal na isinilbi ng mga kinatawan ng poll body ang subpoena laban kay Guo noong August 13.